MyPicture
SmileLogo

Ang Isang Minutong SMILE ay isang adbokasiya na may layuning magbigay ngiti sa bawat Filipino saan mang sulok ng mundo sa napakasimpleng paraan. At sa tulong ng mga blogerong Filipino at kaibigang may mabubuting puso patuloy itong magbabahagi ng ngiti sa lahat at sa mas nangangailangan.

Hangad rin nito na magkaruon ng kahit isang minutong pag ngiti sa loob ng isang taon kahit na ano pa man ang iyong nararamdaman, isang minuto para kalimutan ang problemang dinadala, lungkot na nararamdaman o galit na nagpapasama sa bawat tao. read more

  • print
Dec. 19, 2011 -

Isang Saranggola SMILE Day!

Sa tulong ni Zyra, Junior Philippine Computer Society – SPCBA Chapter, FilMoDHA at ng Saranggola Blog Awards, Naisakatuparan ang pinakaunangSaranggola Smile Day na ginanap sa Sitio Camachile (Camcam), Barangay Dela Paz, Binan, Laguna. Tatlumpong bata ang nabiyayaan ng programang ito.  read more

Dec. 8, 2011 - Dec. 14, 2011

Feeding Program – NEBES, Olongapo City

Feeding Program sa Nellie E. Brown Elementary School(NEBES), Olongapo City. 65 Kids ang nabigyang ngiti ng programang ito. Ito rin ay nagsilbing selebrasyon ng ikalawang taon ng SMILE Day. First Day | Second Day | Third Day

Nov. 9, 2011 - Nov. 14, 2011

Feeding Program – Olongapo City

Isang Feeding Program ang ginanap sa isang lugar sa Olongapo City kung saan 25 na bata ang pinakain at binigyan ng bitamina upang kahit papaano’y magbigay sigla at ngiti sa kanila. First Day | Second Day

Sep. 19, 2011 -

SMILE Quotes Contest Winners

Nagkaruon ng munting paligsahan ang mga blogero sa paggawa ng sariling SMILE Quotes. Ito ay upang bigyang Ngiti ang lahat ng mambabasa ng kanilang mga pahina ganun din ang mga sumali at nanalo sa paligsahan ito. read more

Apr. 3, 2011 -

PEBA Cares

Nagbigay ng labing siyam(19) na sako ng bigas ang Isang Minutong SMILE sa PEBA Cares sa kanilang proyekto para sa mga ulilang bata ng Bethany House Orphanage.

Dec. 10, 2010 -

Pangakong Ngiti

Tatlong daang(300) estudyante ng Adiwang Elementary School ng Baguio City ang napangiti ng Isang Minutong SMILE sa tulong ng mga kaibigang patuloy na sumusuporta sa adhikain ng Isang Minutong SMILE. read more

Dec. 8, 2010 -

Happy SMILE Day!

Nagkaruon ng pacontest ang Isang Minutong SMILE sa lahat ng sumusuporta dito. Kailangan lang nilang magpadala ng SMILE Photo sa Isang Minutong SMILE, mula dito nagkaruon ng botohan sa Facebook Fan Page ng pinakamaraming LIKE at ang mananalo ay may libreng shirt mula sa Isang Minutong SMILE. read more

Dec. 8, 2009 -

Munting Pasasalamat

Ang unang proyekto ng Isang Minutong SMILE, tumanggap ng napakaraming larawan na naka-ngiti mula sa mga blogero ang Isang Minutong SMILE upang gawan ito ng video at nang sa gayon makapagbigay ngiti sa lahat ng makakapanuod.

Nagkaruon din ng malawakang pag-ngiti ang mga kaibigang blogerong Filipino at ang ilan sa kanilang mga kaibigan nuong Dec. 8, 2009, eksaktong alas otso ng gabi, ito ay upang simulan at kilalanin bilang SMILE Day ang December 8. read more

Jan 23rd, 2013

Project SMILE : Alay Pag-Asa

Nitong nakaraang taon, isang karanasan ang di malilimutan ng lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang TKJ Project SMILE. Mahigit limang oras na ngiti para sa mga batang may karamdaman at taga-bantay nito, at habambuhay na ngiti para sa lahat ng volunteers sa tuwing maaalala nila ang bawat minutong naruon sila sa Child Hauz. Muli,… read more

Jan 12th, 2013

Isang Minutong SMILE para kay Nikki

Kanina lang ay ni-tag ako ng panganay kong anak sa facebook tungkol sa kalagayan ng isa nyang kaibigan, si Nikki. School mate sya ng anak ko at nakasama nya minsan sa isang Play. Mabait daw na bata sabi rin ni misis, palabati at laging naka-ngiti. At ngayon dahil isang karamdaman, pansamantalang nawala ang ngiti sa… read more

Jul 26th, 2012

Limang Oras na SMILE Hatid ng TKJ Project SMILE

Sa sabado na ang TKJ Project SMILE 2012, Excited lang kahit hindi ako makakasama. Ang mahalaga may mga bata na naman na mabibigyan ng NGITI ang Isang Minutong SMILE. Ang tutuo hindi lang Isang Minuto ang ibabahagi ng proyekto ngayon, mahigit sa limang oras na pagpapasaya sa mga batang may karamdaman, ito ay sa tulong… read more