Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto
pagbigyan mo ang sarili
mong maging masaya…
kahit isang segundo lang okey na un…

 

Isang quote na tumatak sa isipan ng ilang mambabasa ng pahinang ito, umukit na sa aking puso mula ng naikumento ko kay Mareng Jen..At ngayon muling susubukang ibahagi sa mas nakakarami…makapagpangiti kahit sa simpleng paraan…

From The Pope
Tama ka Lord, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds – sana’y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day...Source

Bakit hindi natin subukan? Sabay-sabay tayong ngumiti, tumawa o magpakasaya sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bawat isa. Kalimutan ang kalungkutan kahit isang minuto lamang.

Sa darating na December 08, 20XX, 8PM Manila Time, sabay sabay nating tanggalin sa isipan ang lahat ng bumabagabag sa atin, mag isip ng masasayang bagay na pangyayari sa iyong buhay, at ngumiti na parang walang problema…kahit isang minuto lang…

Hinihingi ko ang tulong ng lahat ng mambabasa ng pahinang ito na ibahagi sa iba ang ISANG MINUTONG SMILE, sa pamamagitan ng paggawa ng artikulo sa inyong pahina o pag display sa inyong blog ng imahe na nasa taas, at i-link sa artikulong ito. At kung maipapasa nyo sa iba, mas maganda upang mas marami pa tayong mapasaya…

Inaasahan ko po ang inyong pakikiisa upang maisakatuparan ang hiling ni The Pope, ganun din ako, para sa buong mundo na magkaruon ng tunay at ganap na kasiyahan kahit isang minuto lamang

Di nyo ba napansin, galing ang idea kay The Pope, at susubukang isakatuparan ni LordCM ? Parang nasa Rome lang enoh :-)

Tags:

Leave a Reply to Lord CM Cancel Reply