Nakita mo yang sementadong daan na  yan? Mula sa pinagkuhanan ng larawan hanggang dun sa nakikita mong tuktok ng sementadong daan. Araw-araw na nilalakad yan ng mga mag-aaral ng ADIWANG ELEMENTARY SCHOOL sa barangay Balacbac lungsod ng Baguio. Walang pumapasok na jeepney diyan, kaya obligado ang mga mag-aaral  na lakarin yan, rain or shine makapasok lang sa paaralan. Ang Adiwang Elementary School ay nasa loob ng isang pribadong subdivision , ang LEXBUR subdivision.  Nakalulungkot isipin na kahit may paaralan na mismo sa loob nito, ang mga residente dito ay sa mga pribadong paaralan pa sa kabayanan pinapapasok ang kanilang mga anak.. dahil na rin siguro sa naisip nilang malaking kakulangan sa Adiwang.

 

 

Mayroong kulang-kulang tatlong daang estudyante ang Adiwang, mula kinder hanggang grade 6. Kapansin-pansin ang kakulangan sa paaralan, mula sa gamit pang eskuwelahan hanggang sa “maintenance” ng mismong lugar. Madalas lang daw naaayos ang paaralan kapag may mga NGOs na nagpupunta duon para mag-abot ng tulong.

 

Kamakailan ay may idi-nonate ang lokal na pamahalaan ng Baguio sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Domogan. Nabiyayaan sila ng 13 unit ng computer, although functional, hindi naman nila magamit sa dahilang kulang-kulang sa gamit tulad ng mouse, keyboard at kung anu-ano pa. Ayon sa punong guro na aking nakausap, worried sya na napag-iiwanan na ng teknolohiya ang mga estudyante nila.

 

Dalawang entrances meron ang Adiwang. At eto yun…

Habang iniikot ko ang kabuuan ng paaralan, hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kalagayan nito. Puno ng mga batang sabik sa karunungan, sabik matuto, puno ng pangarap, ngunit salat sa pamamaraan. Naisip ko kung gano ako kaswerte nung mga panahong nag-aaral pa ko. Ni hindi ko na kinakailangan mag-isip kung may lapis pa ba akong gagamitin sa pagpasok ko kinabukasan. Habang ang mga batang nandito, pumapasok kahit na walang laman ang tiyan.

May isang grupo ng mga koreano ang nagpa-feeding program sa mga batang ito thrice a week sa loob ng  anim na buwan. Nakitaan nila ng matinding pangangailangan ang mga bata sa nutrisyon. Naisip ko lang, sila itong mga dayuhan, pero sila pa ang nagkukusang tumulong sa mga kababayan natin.

Itong darating na December 8, layunin namin sa “Project Smile” na makapagbigay ng kaunting tulong sa Adiwang Elementary School. Hangad naming makapagpasilay ng mga matatamis na ngiti mula sa mga batang nag-aaral sa paaralan na ito. Make them feel they’re taken cared of even for just one day.

“sometimes, we tend not to notice how blessed we are.. how much weve got when there are others who has less and sometimes nothing.”

Sa tulong nyo, maisakatuparan sana namin ang aming munting misyon na ito..

For those interested to help out, were looking for sponsors who can help us with the school supplies needed. You can reach us at: IMS Email

Maraming salamat po!

-yanah-

Leave a Reply