“Good morning visitors. Its nice to see you. Mabuhay!” sa bawat silid aralang pasukin namin kaninang umaga ay yan ang bumungad sa amin.. mga grupo ng mga mag-aaral na masayang bumati sa amin ng isang magandang umaga. Grupo ng mga mag-aaral na siyang tatanggap ng aming mumunting pamaskong regalo. Kulang-kulang isang buwan ding pinaghandaan itong proyektong ito. Ang nagsilbing instrumento para makalikom ng mga supplies ay internet at kapal ng mukha. Oo, kapal ng mukha sa paglapit sa mga taong sa tingin namin ay makakatulong upang maisakatuparan ang PROJECT SMILE. Ganap na ika-siyam ng umaga  kanina nang aming umpisahang mamigay ng mga gamit pangeskwela sa mga mag-aaral ng Adiwang Elementary School sa Brgy. Balacbac, Sto. Tomas, Baguio City.

Nakakatuwa ang kasiglahan ng mga bata nang sumalubong sa amin. Apparently, they were not informed na may mga taong darating para mamigay ng kaunting gamit sa kanila.. Per classroom ang ginawang pagdidistribute para maging maayos ang pamimigay.. may mga klase pa nga na kinantahan kami. Nagsimula kami siyempre sa Grade 1 pataas ng pataas. May mga ilang mag-aaral pa na nahihiya magpakuha ng litrato sa amin. Pangit daw kasi at luma ang damit nila at makikita daw sa picture, ang sabi ko naman hindi importante un, ang importante ay ang mga matatamis na ngiti sa kanilang mga mukha.

Akala ko magiging madali lang ang pagdidistribute, sabi ko pa, madali na lang tong task na to, iaabot na lang tapos nun wala na tapos na.. uwian na.. Nagkamali ako. Hindi pala ganun kadali yun. Sa bawat pag-abot na ginawa ko.. iba-ibang mukha, iba-ibang ngiti, iba’t-ibang kwento. Hindi na nila kinakailangan pang magsalita para malaman mo kung ano ang nararamdaman nila. Sa likod ng mga ngiti, mababaanagan ang hirap ng buhay, sa murang edad makikitaan sila ng certain air of maturity tungkol sa outlook nila about life.

Matapos na mamigay ng ilang gamit sa grade 2, may isang batang lumapit sa akin, sabi nya: “ate, balik po kayo ulit ha, thank you po sa bigay nyo, mahirap na po gamitin ung lapis ko ang liit na po, bigay lang po un ni teacher” ako naman, ngumiti, sabay sabing “oo babalik kami, wag ka mag-alala.” Telling myself na pipilitin kong makabalik.. nakakapanikip ng dibdib, alam ko sa sarili ko na hindi isang simpleng salita lang un na pwede kong kalimutan once na umalis kami sa lugar na un. Isang pangakong dapat na tuparin. Isang pangakong binitawan sa isang batang umaasa..aasa..patuloy na aasa sa bawat salitang mabitawan ng isang gaya ko na minsang nagmalasakit sa kanila.

 

 

Maswerte tayong mga nabiyayaan ng napakaraming rason para ngumiti, hindi masama na ibahagi natin ito sa iba. Maswerte tayong patuloy na pinagpapala ng nasa itaas, hindi masama kung magiging isa rin tayong “blessing” sa ibang tao in our own simple ways.

 

~yanah~

Leave a Reply to Arvin U. de la Peña Cancel Reply