Dati pangarap lang na maging bahagi ako ng Isang Minutong Smile – tipong makisawsaw sa pagtulong sa iba o makatulong na magpangiti ng mga bata. Hindi ko alam na bilang isang blogger ay maaari pa ring makatulong sa iba, yung, hindi ka lang uupo sa harap ng iyong computer, tatakatak ng iyong keyboard at magpopromote ng iyong blog.

Ngayon, nagdesisyon akong tumayo, iwan saglit ang aking blog, at piniling magpa-smile ng mga bata.

Disyembre 19 (Lunes) – unang araw ng Christmas Vacation. Kasama ang Junior Philippine Computer Society – SPCBA Chapter ay hinanda namin lahat ng kakailangan para sa Saranggola Smile Day na ginanap sa Sitio Camachile (Camcam), Barangay Dela Paz, Binan, Laguna. Ang Camcam ay madalas ng lubog sa baha at maputik pero kahit ganoon, ramdam pa rin dito ang sigla at saya ng Pasko.

Saranggola Smile Day Venue

Ito ang Camcam. Ang dami naming smile talaga nung dininig ni Lord ang aming panalangin na hindi umulan.

 

Saranggola Smile Day Camcam

Mula sa pagbababaan ng tricycle ay lalakad ng lima hanggang pitong minuto papunta sa bahay ng lider ng sitio. Hindi kasi tagarito ang baranggay captain. Naku salamat talaga at may hindi baha na lugar doon at medyo malaki na pwedeng pagganapan ng party.

 

Mga hinanda bago ang mismong party:

Saranggola Smile Day Ticket

Mga Tiket. Para mas organized, hindi magulo at payapa ang lahat :)

 

Saranggola Smile Day Lobo

Mga lobo - Tatlumpung Lobo para sa Tatlumpung Bata - para mas ramdam ang party. Mas makadaragdag din ito sa excitement.

 

Saranggola Smile Day Regalo at Premyo

Ang mga regalo at mga premyo. Ang mga regalong pambabae ay ibinalot na namin sa kulay pulang gift wrapper at kulay bughaw naman para sa lalaki. Ang mga premyo at loot bags naman ay may lamang crayons, candies at goodies. Yey!

 

Saranggola Smile Day Games

Mga Laro. Hindi ito pwedeng mawala. Pinaltan namin yung huling dalawang games ng sangkatutak na 'Bring Me'

 

Alas Diyes na!

Nagsimula ng eksaktong 10 AM ang Saranggola Smile Day at ito ay binuksan ng isang panalangin, pasasalamat dahil hindi umulan at matutuloy ang party, paglilingon kami sa kaliwa at sa kanan, kita na namin ang baha kaya umaapaw ang aming pasasalamat kay Bro.

Saranggola Smile Day Kathleen

Si Kathleen at ang larong "Ang Tanging Hinga Mo"

 

Gusto kong lumuha sa halip na ngumiti habang naglalaro si Kathleen ng “Ang Tanging Hinga Mo” pero pinigil ko nalang. Deaf and Mute kasi ang batang ito na hindi namin alam kung paano namin siya pipigilan na sumali. Nung tanungin ako ng mga estudyante ko kung anong gagawin namin, ang sabi ko nalang, “Sige, hayaan natin. Gusto niya sumali eh.” Halos lahat ng nanay at batang nandoon, sumisigaw ng, “Bingi yan, pipi yan, paano yan makakakanta?” Pero hinayaan nalang namin. Tapos, kumanta kami ng “We wish you a merry christmas, We wish you a merry christmas, We wish you a merry christmas, and a happy new —–-” sabay tinapat na ang mic kay Kathleen at buong lakas siyang huminga, walang lumabas na boses. Halatang pinipilit niya pero wala talaga. Sumigaw na lang ako ng “Yehey, ang galing ni Kathleen” sabay abot ng consolation prize. Masaya si Kathleen pagkatapos. Ayos na rin, palakpakan ang lahat. Mabuhay ka Kathleen, isa kang tunay na masiyahing bata.

 

Saranggola Smile Day JP

Si JP, isa sa mga pinaka-active na bata. Pero ang tanong naming lahat, sino ba talaga ang tunay na JP?

 

Sino ang tunay na JP? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam. Siguro siya nga iyon. Pero kasama niya ung kuya niya na minsan, nagpapalitan sila ng name tag. Pag gusto sumali ng kuya niya, ibibigay ni JP yung name tag niya. Pag siya naman ang sasali, ibibigay sa kanya nung kuya niya ung name tag. Nung bigayan ng food, hati rin silang dalawa. Nung Bring Me, kuya niya ung naghahanap ng dadalhin tapos iaabot sa kanya para siya ung mag-abot ng bagay na iyon. Wagas na wagas ang ngiti ko sa kanilang dalawa na bata pa lang, marunong na magbigayan. Saludo!

 

Saranggola Smile Day JP and Friends

Mula sa kaliwa - Kuya ni JP, si JP at si Don.

 

Saranggola Smile Day Kain

Kakain na si Luis!

 

Tapos ng ilang games ay kumain na ang mga kids at ang food — Jollibee! Favorite nila yun. Nung una, dapat Spagetti at Chicken ang aming choice para sa kanila, pero naisip ng ilan na baka maghahati sila o mag-uuwi sa kanilang mga kapatid, pinaltan namin ng Spagetti at Burger. Kagaya ng inaasahan, naghati-hati nga ang mga bulilits. Sa isa spagetti, sa kapatid niya ang burger at ito ang ginawa ni Luis. Kasama niya ang kapatid niya at ayaw niyang iwan ito. Siya yung laging sumasali sa games tapos ay ibinibigay ang premyo sa kanyang kapatid na lalaki.

 

Saranggola Smile Say Luis

Ang nakababatang kapatid ni Luis at si Luis mismo habang sila ay sweet na sweet na naghahati sa kanilang pagkain.

 

Saranggola Smile Day Harana

Habang kumakain ang mga kids ay inawitan sila nila Kuya Joey at Ate Mariz (singers ng JPCS) ng "Have Yourself a Merry Little Christmas". Salamat po :D

 

Storytelling na! Ang kwento: Oh, Mateo! Kala-kalahati (Half-half)
nina Grace D. Chong at Beth Parrocha-Doctolero
(ang istorya dito)

Saranggola Smile Day Storytelling

Ikinuwento ko ang "Kala-kalahati" kung saan hinihikayat ang mga bata na magbigay at maging masaya sa paghahati-hati lalo na at malapit na ang Pasko.

 

Pagkatapos ay namigay na ng regalo, loot bags at coloring books sa mga bata. Sabi nung isang member ng JPCS, “Isang Minutong Smile na.” Sabi rin ng presidente ng JPCS, “Mam, salamat sa Isang Minutong Smile, ang saya-saya”. Sabi rin ng isang taga-roon, “Salamat ha, ngayon lang kasi may nagpunta dito para magparty. Ang saya ng mga bata, salamat.” Sobrang taba ng puso ko. Grabe. Salamat sa lahat ng tumulong at sumuporta.

 

Saranggola Smile Day Gifts

Nang sila ay makatanggap ng regalo, higit pa sa isang minuto ang kanilang mga ngiti. Salamat sa lahat!

 

At dahil party ito, mawawala ba ang…

Saranggola Smile Day Pabitin

Pabitin? Talunan na!

Salamat sa mga walang sawa na magpangiti. Hindi ako manghihinayang na iwan saglit ang pagbablog, lumabas ng bahay at magpangiti ng ating kapwa Pinoy.

Saranggola Smile Day Yehey

Group Picture muna

 

Saranggola Smile Day - Uwian Na

Hanggang dito na muna sa ngayon, babye na muna sa lahat. Marami pang kasunod, may mga laruan pa galing sa Saranggola Blog Awards. Smile ^____________^

 

Para sa iba pang pictures, click here.

Tags:

Leave a Reply to Jhiegzh Cancel Reply