Isa sa hangarin ng The KaBlogs Journal ang makatulong at makapagbigay kaalaman sa ating mga Kababayan sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga di matatawarang istorya ng bawat OFW na nasa iba’t ibang sulok ng mundo. Mga tula, kwento, at larawan na nagbibigay ngiti at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mambabasa ng The KaBlogs Journal.

Saranggola Smile Day PictureAt upang mas mapalawak pa ang nabibigyang saya at inspirasyon ng The KaBlogs Journal, Kasama ang Isang Minutong SMILE, nabuo ang TKJ Project SMILE 2012 upang muli ay makapagbigay ngiti sa mas nangangailangan.

Sa tulong ng The KaBlogs Journal, ilang Pinoy Bloggers at mga volunteers, Nitong darating na Hulyo 28,isang Project SMILE ang magaganap sa Child Haus, Project 8, Quezon City. Ang Child Haus ay nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga bata na mula pa sa malalayong probinsya na pumunta sa Maynila upang magpagamot.

Hangarin ng proyektong ito na mapa-ngiti ang mga batang may dinadalang karamdaman. Hindi lamang isangminuto, kundi limang oras o higit pa.

Ang proyektong ito ay magsisimula ng alas-syete ng umaga upang mabigyan ng masustansyang almusal ang mga bata kasama na rin ang mga tagapag-alaga nito. Kasunod nito ang pagbibigay kaalaman sa mga bata sa pamamagitan ng Story Telling, pagkanta, mga larong pambata at ilan pang aktibidad na maaaring makapagpangiti sa kanila.

Isang masustansyang pagkain din ang maghihintay sa mga bata pagdating ng tanghalian. At upang mas lalo pang mapasaya ang mga bata, isang gift giving din ang pinaplano ng bumubuo ng Proyektong ito.

Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang mga taong sumusuporta sa adhikain ng Isang Minutong SMILE. Kaya, muli, hinihingi namin ang inyong suporta at dalangin na sana tulad ng mga nakaraang Project SMILE, makapag-iwan tayo ng malakeng ngiti sa mga batang nangangailangan.

Bukod sa pagkain na maihahandog ng proyektong ito sa mga bata, ang mga sumusunod ay ilan din sa mga pangangailangan nila;

- Medicine
- Medical supplies
- Toiletries
- Food (milk, rice, etc)
- Others (toys, books, pillows, etc)

At para sa karagdagang impormasyon kung paano makakatulong sa proyektong ito, maaari nyo po kaming i-email dito Click Here to Contact Us

For Project SMILE Pictures, please click here and here

Tags:

Leave a Reply to kiko Cancel Reply