Brief Background
Ang Isang Minutong SMILE ay isang adbokasiya na may layuning magbigay ngiti sa bawat Filipino saan mang sulok ng mundo sa napakasimpleng paraan. At sa tulong ng mga blogerong Filipino at kaibigang may mabubuting puso patuloy itong magbabahagi ng ngiti sa lahat at sa mas nangangailangan.
Hangad rin nito na magkaruon ng kahit isang minutong pag ngiti sa loob ng isang taon kahit na ano pa man ang iyong nararamdaman, isang minuto para kalimutan ang problemang dinadala, lungkot na nararamdaman o galit na nagpapasama sa bawat tao.
Brief History
Sa pangununa ni Charlie M. o mas kilala sa tawag na LordCM sa mundo ng blogosperyo, isang blogero at OFW na nakabase sa Palau nasimulan ang Isang Minutong SMILE nuong Nobyembre 13, 2009.
Bilang isang blogero, at gaya ng karamihan, hangad ni LordCM ang maibahagi ang mga kwentong magbibigay aral o inspirasyon sa bawat mambabasa. Ganun din ang makapagbigay payo at ngiti sa lahat ng nangangailangan.
Isa sa hindi malilimutang payo na naibigay ni LordCM sa isang kaibigan ay ang;
“Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto
pagbigyan mo ang sarili
mong maging masaya…
kahit isang segundo lang okey na un.. “
Ito rin ang nagging dahilan upang ang isa pang kaibigan ay magbigay suhestiyon tungkol sa pag-ngiti;
“Tama ka LordCM, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds – sana’y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day”
At dito na nagsimula ang Isang Minutong SMILE.
Dec 8, 2009 - Ang unang proyekto ng Isang Minutong SMILE, tumanggap ng napakaraming larawan na naka-ngiti mula sa mga blogero ang Isang Minutong SMILE upang gawan ito ng video at nang sa gayon makapagbigay ngiti sa lahat ng makakapanuod.
Nagkaruon din ng malawakang pag-ngiti ang mga kaibigang blogerong Filipino at ang ilan sa kanilang mga kaibigan nuong Dec. 8, 2009, eksaktong alas otso ng gabi, ito ay upang simulan at kilalanin bilang SMILE Day ang December 8.
Dec. 8, 2010 - Nagkaruon ng pacontest ang Isang Minutong SMILE sa lahat ng sumusuporta dito. Kailangan lang nilang magpadala ng SMILE Photo sa Isang Minutong SMILE, mula dito nagkaruon ng botohan sa Facebook Fan Page ng pinakamaraming LIKE at ang mananalo ay may libreng shirt mula sa Isang Minutong SMILE.
Dec. 10, 2010- Tatlong daang(300) estudyante ng Adiwang Elementary School ng Baguio City ang napangiti ng Isang Minutong SMILE sa tulong ng mga kaibigang patuloy na sumusuporta sa adhikain ng Isang Minutong SMILE.
April 3, 2011 – Nagbigay ng labing siyam(19) na sako ng bigas ang Isang Minutong SMILE sa PEBA Cares sa kanilang proyekto para sa mga ulilang bata ng Bethany House Orphanage.
Sep. 19, 2011 – Nagkaruon ng munting paligsahan ang mga blogero sa paggawa ng sariling SMILE Quotes. Ito ay upang bigyang Ngiti ang lahat ng mambabasa ng kanilang mga pahina ganun din ang mga sumali at nanalo sa paligsahan ito.
Nov. 9, 2011 – 1st Feeding Program na ginanap sa isang lugar sa Olongapo City kung saan 25 na bata ang pinakain at binigyan ng bitamina upang kahit papaano’y magbigay sigla at ngiti sa kanila.
Nov. 14, 2011 – 2nd Feeding Program – Olongapo City
Nov. 29, 2011 – Napili ang Isang Minutong SMILE bilang isa sa mga Finalist For the Advocacy Category – National Level ng Philippine Blog Awards
Dec 8, 2011 – 1st Day of Feeding Program sa Nellie E. Brown Elementary School(NEBES), Olongapo City. 65 Kids ang nabigyang ngiti ng programang ito. Ito rin ay nagsilbing selebrasyon ng ikalawang taon ng SMILE Day.
Dec 12, 2011 – 2nd Day of Feeding Program sa NEBES, Olongapo City.
Dec 14, 2011 – 3rd Day of Feeding Program sa NEBES, Olongapo City.
Dec 19, 2011 – Sa tulong ni Zyra, Junior Philippine Computer Society – SPCBA Chapter, FilMoDHA at ng Saranggola Blog Awards, Naisakatuparan ang pinakaunang Saranggola Smile Day na ginanap sa Sitio Camachile (Camcam), Barangay Dela Paz, Binan, Laguna. Tatlumpong bata ang nabiyayaan ng programang ito.
July 28, 2012 – Sa tulong nila Zyra at Maridel, ng mga volunteers at lahat ng nagbigay tulong naging matagumpay ang Limang Oras ng SMILE na hatid ng The Kablogs Journal : Project SMILE para sa 50 kids ng Child Hauz at mga tagabantay nito.
Ang Isang Minutong SMILE ay patuloy na magpapangiti sa lahat ng nangangailangan hanggat nariyan ang mga taong patuloy na tumutulong at nagbibigay suporta dito.