Nahuli in teacher si Dingdong na nangongopya:

Teacher: Ganyan ka na ba talaga ka-bobo ha Dingdong?!
Dingdong: Ma’am! Seeking help is not a sign of ignorance.
It is an intellectual act that allows people to admit that some situations are not
meant to be handled alone.
Teacher: (natulala!!!)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GIRL : Kapag iniwan ba kita iiyak ka??!
BOY : Siyempre naman mapipigilan ko ba ang…

TEARS of JOY?!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A couple at the wishing well…
Husband leans over, made a wish and a throws coin.
Wife made a wish, but leans too much, falls in and drowns.

Husband: “Hala! bilis naman!”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pedro: Pare, nanaginip ako kanina!
Juan: Ano?!
Pedro: Naglalaro daw tayo ng basketball tapos natumba ako, tapos pagsalo mo sa akin, nagkalapit ang mga labi natin, tapos…
Juan: Stop!
Pedro: Bakit?!
Juan: Kasi kinikilig ako!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa party, nilapitan ng isang guwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi:

Lalaki : Sasayaw ka ba ?

*tuwang tuwa ang babae at tumayo..

Babae : Oo, sasayaw ako!

Lalaki : Hay salamat! Paupo ako ha?!

Eksena ng mag-inang OFW habang nasa harap ng hapag kainan at naghahapunan;

Inay : Anak, kumain ng kumain ah para malakas at malusog

sabay lagay ng gulay sa plato ng anak

Anak : Nay, naman…tama na po, ayaw ko ng gulay eh

Inay : Anak, ubusin mo yan, ang daming nagugutom sa Pinas, pasalamat ka na lang at may kinakain pa tayo.

Anak : pag po ba inubos ko to, Nay, hindi na po sila magugutom?

Tumayo si Inay papalayo sa hapag kainan…

Oo nga naman diba? Hahaha, wala na nga bang magugutom na mga bata kung sakaling ubusin nya ung pagkaing nakahatag sa kanyang harapan?…Siguro nga hindi, pero tulad ng sabi ni Inay, maraming nagugutom na mga bata sa Pinas na halos mamatay na ng dahil sa gutom, pero eto tayo ang sasarap ng kinakain at kung minsan pa itatapon na lang kung hindi natin ito magustuhan. Samantalang ang iba, pinupulot pa yung mga itinapon natin masayaran lamang ng kahit kaunting mantika ang kanilang mga tyan.

Isa sa adhikain ng Project SMILE ang magpangiti ng mga bata tuwing darating ang kapaskuhan. At sa tulong ng mga mababait na Sponsor, malamang hindi lang tuwing araw ng Pasko ito mangyayari. Kahit hindi Pasko, pipilitin po ng Project SMILE na makapagbigay ngiti sa mga bata kahit Isang Minuto lamang.

At para sa pagsisimula, isang Feeding Program ang naganap kahapon, Nov. 9, 2011 sa mismong lugar kung saan ako lumake, sa Olongapo. Lingid man sa ating kaalaman, may mga lugar sa Olongapo na masasabi nating kapos sa kahit anong bagay.

Sa tulong ni Kagawad Melissa Carabeo,   kaibigan ni misis, at ng Baranggay West Bajac-Bajac naisakatuparan ang unang Feeding Program sa isang Damsite sa Olongapo. Mayroon bilang na 25 na bata ang lugar. Isang nakakabusog na pananghalian ang inihanda para sa mga bata at kaunting bitamina.

Halika at sabayan nating ngumiti ang mga bata :-)

Tulad ng nakalagay sa title ng blogpost na ito, 1st Feeding Program…Ibig pong sabihin may 2nd at may 3rd pa sa mismong lugar, ito ay upang makita ang resulta ng pagkain at bitaminang ibinigay sa mga bata…At kung tutulungan nyo po ako sa mga susunod na Project SMILE, makakasiguro po tayong madaragdagan pa ang mga batang mapapa-SMILE ng Isang Minutong SMILE

 

Anak : Oh Nay, saan ka po galing?

Inay : Kapag inubos mo yang pagkain sa harapan mo, Anak, magpapdala ako ng donasyon sa Isang Minutong SMILE upang kahit papaano’y mabawasan ang mga batang nagugutom.

Ngiti lamang ang itinugon ng bata sa Ina at dali-daling inubos ang kanyang pagkain

 


2nd Day of Feeding Program

At ang pinakahihintay ng lahat!

Ang mga nanalo sa munting contest ng Isang Minutong SMILE

Andito na!!!

1st Prize – 1yr Web Hosting plus 1yr Free Domain Name

Ngiting Kontra Buhawi – Zyra

2nd Prize – 1yr Domain Name

Ngiti ng Pag-Asa – topexpress

2 SMILE Shirt

Oras na!!! – Midnight Driver

Mahika sayong Ngiti – iya-khin

Para sa 1st at 2nd winner, email ko po kayo kung paano nyo makukuha ang prize. At para naman sa nanalo ng SMILE Shirt, mamili po kayo ng size nyo dito. Tapos email nyo ako sa lordcm18 at gmail dot com kasama ang detalye ng tatanggap ng shirt sa Pinas.

Receiver’s Full Name : Juan Dela Cruz

Address : Sa gilid ng Tulay St. Philippines

Contact Number : 09192222210

Shirt Size : Small

Muli, Maraming salamat sa lahat.

Patuloy po tayong magbigay NGITI sa mas nakakarami!

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng naging parte ng SMILE Quotes Contest. Sa mga Sponsor na sina Roy ng Field of Dreams, Shirley ng Alohagems on Squidoo, Jomi ng  ISP101 , at sa ibang ayaw magpakilala na walang sawang nagbibigay tulong upang mabigyang ngiti ang mga kalahok ng contest. Maraming salamat sa inyo.

Sa lahat ng mga sumali at sumuporta, hindi lang po ako ang napangiti nyo, pati na rin ang mga mambabasa ng inyong pahina at maging ang lahat ng patuloy na bibisita sa pahinang ito. Nawa’y tumatak sa kanilang puso at isipan ang mga SMILE Quotes na inyong pinaghirapan. Maraming salamat sa inyo.

Sa mga hurado, na sina Kiko, Rose at The Pope na hindi nag-atubiling pumayag upang maging parte ng kaganapang ito. Kundi dahil sa inyo, hindi po ito magiging matagumpay. Maraming salamat sa inyo.

At sa lahat ng taong tumulong sa abot ng kanilang makakaya, maraming-maraming salamat sa inyo.

Kapalit ng inyong binigay na Ngiti sa akin at sa libo-libong makakabasa ng inyong SMILE Quotes, Inihahandog ko ang video sa baba na gawa ni Kiko.

Sana’y patuloy tayong magbigay Ngiti sa mga taong minsan nang pinagkaitan nito. Asahan ko po ang inyong suporta sa mga susunod pang proyekto ng Isang Minutong SMILE

Click nyo lang po ung SHARE o LIKE button sa baba upang kahit papaano’y maiparating natin sa lahat ang munting handog ng Isang Minutong SMILE at nawa’y mapangiti rin natin sila.

Note : Forwarded email

1 x 8 + 1 = 9
12 x 8 + 2 = 98
123 x 8 + 3 = 987
1234 x 8 + 4 = 9876
12345 x 8 + 5 = 98765
123456 x 8 + 6 = 987654
1234567 x 8 + 7 = 9876543
12345678 x 8 + 8 = 98765432
123456789 x 8 + 9 = 987654321

1 x 9 + 2 = 11
12 x 9 + 3 = 111
123 x 9 + 4 = 1111
1234 x 9 + 5 = 11111
12345 x 9 + 6 = 111111
123456 x 9 + 7 = 1111111
1234567 x 9 + 8 = 11111111
12345678 x 9 + 9 = 111111111
123456789 x 9 +10 = 1111111111

9 x 9 + 7 = 88
98 x 9 + 6 = 888
987 x 9 + 5 = 8888
9876 x 9 + 4 = 88888
98765 x 9 + 3 = 888888
987654 x 9 + 2 = 8888888
9876543 x 9 + 1 = 88888888
98765432 x 9 + 0 = 888888888

Brilliant, isn’t it?

And look at this symmetry:

1 x 1 = 1
11 x 11 = 121
111 x 111 = 12321
1111 x 1111 = 1234321
11111 x 11111 = 123454321
111111 x 111111 = 12345654321
1111111 x 1111111 = 1234567654321
11111111 x 11111111 = 123456787654321
111111111 x 111111111 = 12345678987654321

Now, take a look at this…

If:
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
(Is represented as…)
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26.

If:
H-A-R-D-W-O- R- K
8+1+18+4+23+ 15+18+11 = 98%

And:
K-N-O-W-L-E- D-G-E
11+14+15+23+ 12+5+4+7+ 5 = 96%

But:
A-T-T-I-T-U- D-E
1+20+20+9+20+ 21+4+5 = 100%

Then:
L-O-V-E-O-F-G-O-D
12+15+22+5+15+ 6+7+15+4 = 101%

Therefore, one can conclude with mathematical certainty that: While Hard Work and Knowledge will get you close, and Attitude will get you there, It’s the Love of God that will put you over the top!

Di ba kayo nagtataka kung sino-sino ang mga hurado ng nagaganap na SMILE Quotes Contest? Di na kailangan, dahil mami-meet nyo na sila ngayon! Oo, Ngayon, di nga lang personal, sa picture lang.

Halika, at kilalanin ang naggagwapuhan at magandang hurado na huhusga sa inyong mga SMILE Quotes.

 The PsalmistThe Psalmist is a designer/technical artist for a printing company in Doha, Qatar. He writes poems and poetries via his blog Unnamed Psalmist. Sumusulat din siya sa Tagalog ng mga maiikling kwento, tula, at sanaysay. Mababasa ninyo siya sa blog na Mga Kathang Isip ni Kiko. Truly a lover of the arts, he also publishes two other blogs centered on music: The Psalmist Sings and iLoveThi’Song™. He is now a regular columnist for TKJ. He believes that no matter what dull clay we seemed to be before, every one of us, a poet when we are in love.

 

Rainbow BoxRose is an active PEBA Core Group Volunteer and TKJ‘s new Editorial Staff. She is an OFW, working in a hotel as Front Desk Receptionist in Doha, Qatar. She regularly writes personal blogs at Rainbowbox and The Little Girl’s Diary. She Believes that to get something you never had, you have to something you never did.

 

 

TPalipasanhe Pope is blogger behind Palipasan: Aliwan ng Pagal na Kaisipan, a chronicle of his life thoughts and opinion. The Pope is a Flight Controller and Statistician at Qatar Emiri Air Force in Doha, Qatar for 19 years crunching number discovering its underlying causes, patterns, relationships, and trends. A grandfather who is addicted to running, blogging and photography

 

Oh, Di ba? Di ako nagkamali, gwapo at maganda ang mga hurado. At upang bigyang NGITI ang mga kalahok, ito na po ang resulta ng paghuhusga ng mga hurado. At bukas, sa pagtatapos ng botohan, makukumpleto na ang scores ng bawat kalahok, at dito na rin malalaman kung sino-sino ang apat na masuwerteng mananalo.

SMILE Quote Contest Score Sheet

 

Narito na po ang lahat ng kalahok para sa SMILE Quotes Contest. Maaari kayong mamili ng isa hanggang sampung quotes na gusto nyo mula October 13 hanggang October 19 ng hatinggabi. Kasabay nito ang paghuhusga ng tatlong hurado mula sa ibang bansa, Oo, German ang mga hurado…Kaya goodluck sa TAGALOG Quotes nyo! lolzz, biro lang po. OFW po sila.

Sa pamamagitan ng mga kriterya na nasa baba, malalaman po namin kung sino ang mananalo at sa darating na October 22 namin ipagsisigawan kung sino-sino ang mga nanalo.

Kriterya sa paghuhusga:

Originality(20%) – Hindi kinopya o kinuha kung saan ang quotes, dapat ito ay sariling gawa

Substance(40%) – Ang mensahe ng quote at kung napa-smile nyo nga ba ang mga hurado

Vote(40%) – Resulta ng botohan

 

Goodluck at Vote Wisely! :-)

1. Ngiti ko para sayo

Kung wala kang baong ngiti, hayaan mo’t ibabahagi ko ang ngiti ko sayo para gumanda ang araw mo

2. Ngiti ng Pag-asa

Hindi sa mga ngiping mapuputi nanggagaling ang GANDA ng isang NGITI,Ito ay sa SINSERIDAD ng taong sa atin ay BUMABATI.

3. Isang Munting Ngiti

Ngumiti ka at huwag kang magsawa,yung tipong SMILE na nakakahawa; yung ngiting nagbibigay ginhawa,kahit isa lang basta’t basta’t galing sa puso,Kasi ikaw ang una kong SMILE

4. Ngitian Mo Ako

Libre lang ang pag ngiti kaya huwag mo ito ipagdamot sa mga taong gustong maging bahagi ng iyong buhay

5. BUNGI

Pagod ko’y napapawi sa ngiti ng bunso kung bungi

6. Nakapagpapawi

Simpleng ngiti nakapagpapawi sa pusong sawi

7. WALANG PUSONG BATO KAPAG NASILAYAN ANG NGITI MULA SA LABI MO

Sabi nila, ako raw ay siraulo. Taglay ko raw ang pusong bato.Subalit ako’y naging maamo, Nang masilayan ang ngiti mula sa labi mo

8. Simpleng Ngiti

Nung una kung masilayan ang pag NGITI mo,kinumpleto mo kung ano man ang kulang sa pagkatao ko

9. Ngiti Energy Booster!

Ang iyong ngiti ay sapat na para maramdaman kong kaya ko ang lahat dahil may isang tulad mo na handang maniwala sa akin

10. Smile Na!

Sabi nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya. Tama ba? Ewan ko.. siguro nga.Pero eto lang kasi, sa aking pagkakaintindi,Gumaganda’t gumagwapo ang lahat ng nakangiti. Uuy…. Ngingiti na sya

11. Oras Na!

Ang isang minutong pag-ngiti ng mga labi mo ay katumbas ng animnapung segundong pagtibok ng puso ko

12. Mabighaning Ngiti

Kung hindi mo man ako kayang mahalin,Ayos lang! Hwag mo lang kalimutang isipin, Na ako’y andirito handang magbigay ng NGITI, Para lamang ika’y mabighaning muli

13. Ngiti

Aanhin ko ang yaman at ang kakisigan.Kung hindi ko naman masisilayan.Ang magandang NGITI.Na magmumula sa iyong mga labi

14. Oh, Kay Sarap Mabuhay!

O, kay sarap mabuhay kung ika’y walang problema. At kung sakali mang may dinaramdam ka, ngumiti ka lang dahil ang taong pala-smile problema’y nalalampasan

15. Ngiting Kontra Buhawi

Hirap man ng buhay ay parang isang buhawi, makararaos din basta may ngiti sa ating mga labi

16. Ngiti Mula sa Puso

Aminado akong di ko kayang baguhin ang mundo pero sa ibabahagi kong simpleng ngiti mula sa aking puso, sana makatulong kahit papaano

17. Smile Virus

Libre lang naman, anung dahilan bakit hindi ka ngingiti? Smile na! Sa iyong simpleng smile na nakakahawa, madami kang mapapasaya.

18. Ngiti mo ay Ligaya

Ngiti mo ay ligaya para kay Ina,O! anak na aking sinta.Pagod ay napapawi pagmamahal ay sumisidhi!

19. Ngiti Mula sa Isang Bungi

Magbibigay ako ng ngiti, kahit ako ay bungi,Ipagmamalaki ang lahi at hindi mangingimi;Pasasayahin si Totoy at maging si Nene,Tuturuang sumaya kahit may kirot sa labi.

20. Sulyap Ngiti

Sulyap tanaw lang ang kaya kong gawin.Di makalapit ang gaya kong mahiyain. Ngunit di alintana, malayo man ang iyong tingin,Isang ngiti mo lang, sapat na upang kita’y mahalin

21. Mahika sayong Ngiti

Isang ngiting kahalintulad ng nahihimbing sanggol, isang mahikang sayo’y ipupukol, walang katumbas na kabayaran ang ligayang sayo’y ihahatol

22. 1, 2, 3, SMILE!!!

Mahirap ka man o mayaman, may kapangyarihan kang magpasaya ng tao na hindi gagastos, 1, 2, 3 SMILE!!

23. Kakaibang Ngiti

Sa bawat gala, sa bawat lakwatsa, sa bawat lamyerda, bastat’t kasama ka, Kakaibang ngiti at ligayang nadarama!

24. Ngiti Sa Mga Labi

Ang ngiti sa mga labi,Nagpapaganda, nagpapapogi; Nagpapalinaw ng pananaw, Kahit problema’y umaapaw. Nagbibigay ng ligaya, Sa mga taong walang saya; Ito naman ay libre, Kaya’t ipamahagi ng sige-sige.

25. Isang Ngiti Mo Lang

Kung kaya ng iba kaya ko at kaya nating lahat maging liwanag sa madilim na landas ng buhay. Isang ngiti mo lang libre lang yan itudo mo

26. Libreng Ngiti

Kahit sa gitna ng kahirapan,ika’y makapagbibigay ng kasiyahan, hindi kelangan ng oras o salapi para sa isang minuto mong ngiti

27. Ngiti ng Pag-asa

Sa panahon ng kalungkutan o ng kapighatian, Ang isang matamis na ngiti ay sapat na para makapagbigay sigla at pagasa sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga.

28. Tanggal Stress na Ngiti

Siksikan man at tulo ang pawis Dito sa MRT na minsa’y nakakabwisit Isang ngiti mo lang huhupa na ang inis. Sa aking pagbaba, pakiramdam ko’y nasa langit

29. Maraming dahilan para ngumiti, Isa na run ay Ikaw

Kahit anong pagmamatigas ko,isang ngiti mo lang nanlalambot na ako

30. Kaibigan, Usap Tayo

Paano gaganahan na tumabi ang swerte sayo, kung lagi kang nakasinghal sa mundo. Huwag mo kasing ipagkait ang ngiti mo, kahit man lang sana sa sarili mo

31. Kahit Bungi

Kahit bungi o bungal, maputi o madilaw,Ngiti lang kaibigan, kahit isang minuto lang

32. Matamis na Ngiti

Kapag sa isipan ikaw ay sumagi,hatid ay walang singtamis na NGITI kahit nagdadalamhati.

33. Your Smile Makes Me Remember Everything

Ang matamis mong ngiti na abot tenga at puno ng pag-asa, Ang nagpabalik ng aking mga alaala no’ng ako’y nagkaamnesya

34. ssdd.3

Walang bayad ang ngiti kaya huwag itong ipagkait sa sarili. Huwag ipagdamot ang ngiti sa iba dahil hatid nito’y saya’t pag-asa.

 

 


SMILE Quotes Contest is Sponsored by

Field of Dreams

Alohagems on Squidoo

ISP101

from the dungeOn.

Taxi

A NUN rides a taxi.
TAXI DRIVER:
Sister it s always my dream 2 kiss a NUN.
Can u grant my wish?
NUN: ok but 1st u shud b catholic & 2nd u have 2b single.
TAXI DRIVER: i am both catholic & still single.
So d Nun fulfils d taxi drver’s fantasy & kisses him.
TAXI DRIVER: thank u sister bt i must confess..i lied 2 u..i am married & i’m a muslim.
NUN: Dats ok…i’m on my way 2 a costume party & my real name s BOYET

 

Apple

American : is that an apple you are eating ?
Filipino: Yes.
American : you know, in america only poor people eat an apple.
Filipino: oh really? is that a banana you are eating ?
American: yes.
Filipino : you know, here in Philippines only Monkeys eat bananas

 

Wrong Spelling

A boy took a knife and started writing his girlfriend’s name on his arm.
Several minutes later, he started crying like crazy.
Why?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
WRONG SPELLING!!!

Balonggam

bata:tao po! meron po ba kayong balonggam?
tendero:wala!
(pagkabukas)
bata:tao po! meron po ba kayong balonggam?
tendero:wala!
(pagkabukas ulit)
bata:tao po! meron po ba kayong balonggam?
tendero:sinabi ng wala!,pagbumalik ka pa bukas babarilin na kita!
(pagkabukas na nman)
bata:tao po! meron po ba kayong baril?
tendero:wala!
bata:heheheh! pero meron na kayong balonggam?

 

Tuyo!

Pedro:anu ulam ninyo?
Juan:Blanched green leafy veggie with crushed sweet tomato in sparkling salted sea food.
Pedro:wow! Ang sarap naman nun.anu un?
Juan:talbos ng kamote at bagoong na may pinisang kamatis.kayo anu ulam ninyo?
Pedro:fish fillet de el nenyo.
Juan:wow susyal! Anu yun?
Pedro:tuyo!

 

Ateneo pala ah!

EKSENA SA JEEP.
GIRL: bayad..
DRIVER: ilan tong 100?
GIRL: 1 kuya, estudyante. Nursing sa Ateneo, kakasakay lang.
BOY: (nayabangan, nagbayad ng 500) manong bayad.
DRIVER: (galit) ilan tong 500?
BOY: 1 lang. seaman, kakarating lang.
SIRA ULO: (tumawa, inabot ang 1,000) manong bayad.
DRIVER: (galit na galit) peste! ilan tong 1,000?
SIRA ULO: 3, isama ang nurse at seaman. keep the change, galing mental kakalabas lang.