Paano ba naman may dalawang OFW Bloggers ang nangakong tutulong pinansyal sa Project SMILE 2011, tapos may tatlong Pinoy Bloggers gustong maging volunteer kung sakaling matuloy ang Project SMILE nitong December 2011.

Eto pa, may new domain na ang Isang Minutong SMILE galing kay Alohagems. Mula sa Tambayan nag-offer syang sagutin ang isang taon na bayad para sa bagong domain name ng Isang Minutong SMILE, ako naman sobrang excited at nagregister agad online ng new domain, tapos inform ko lang si Alohagems na ang kulang na lang ay payment, ayun! wlang isang oras mula nung nag offer sya hanggang sa mabayaran yung domain eh ok na lahat! May new domain na ang Isang Minutons SMILE…Pero di ko pa maasikaso ngayon ang paglipat dahil may survey pa para sa Project SMILE 2011.

Kaya ikaw, kung gusto mo makapagpangiti kahit isang minuto lang, punta ka dito…Dahil ako, Isang buong araw nang naka-SMILE…

Nalalapit na naman ang SMILE Day para sa taong 2011, at gaya nuong isang taon sana muling makapagpasaya ang Isang Minutong SMILE ng mga bata na mas nangangailangan sa tulong ng mga kababayan nating may mabubuting puso.

Naalala ko pa, sa tulong ng isang kaibigan naging matagumpay ang Project SMILE 2010 sa pagpapangiti ng tatlong daang estudyante ng Baguio City. Sya ang naging responsable sa lahat ng bagay na kailangang asikasuhin sa Pinas, at sa pinagsamang talento namin sa pang-aakit ( hehehe wala akong maisip na word para dito ) na makapundar ng pondo, naging sobra-sobra ang pondo para sa project na naging resulta upang muling makapagpangiti ng mga bata sa pangalawang pagkakataon ang Project SMILEĀ  nitong mga nakaraang buwan. Maraming-maraming salamat sa lahat ng tumulong sa Project SMILE 2010.

Muli, nalalapit na naman ang SMILE Day. Mula kaninang umaga nag-iisip na ako ng paraan para makapundar ng pondo para dito, ng sa gayon muling makapagbigay ngiti ang Isang Minutong SMILE. Ang tutuo mayroon nang isang kaibigan sa blogosphere ang nangakong magbibigay suporta para sa susunod na Project SMILE, sya rin ang isa sa dahilan kaya naging matagumpay ang nakaraang proyekto.

Kaso sa sobrang daming iniisip halos wala na akong maisip na paraan para muling makapundar ng pondo, malamang, gaya nuong nakaraang taon, aasa ako sa mga kaibigang may tiwala sa proyektong ito. Pero ganun pa man, humihingi ako ng tulong sa inyo upang muli makapagpangiti ng mga batang mas nangangailangan.

Medyo nawala ako sa gusto kong sabihin, dahil sa 100 Days na teleserye sa TFC, naluha ako sa kwento ng janitor na tinanggap ang paninita ni Madam Ana Manalastas sa positibong paraan na di gaya ng karamihan na sa tuwing may mangyayaring hindi maganda ay puro na lang reklamo.

Ayun! Tulungan nyo naman akong muli, makapagpangiti ng mga bata sa darating na SMILE Day. Andito lang ako

Thanks.........

Survey : Project SMILE 2011