Isa sa hangarin ng The KaBlogs Journal ang makatulong at makapagbigay kaalaman sa ating mga Kababayan sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga di matatawarang istorya ng bawat OFW na nasa iba’t ibang sulok ng mundo. Mga tula, kwento, at larawan na nagbibigay ngiti at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mambabasa ng The KaBlogs Journal.

Saranggola Smile Day PictureAt upang mas mapalawak pa ang nabibigyang saya at inspirasyon ng The KaBlogs Journal, Kasama ang Isang Minutong SMILE, nabuo ang TKJ Project SMILE 2012 upang muli ay makapagbigay ngiti sa mas nangangailangan.

Sa tulong ng The KaBlogs Journal, ilang Pinoy Bloggers at mga volunteers, Nitong darating na Hulyo 28,isang Project SMILE ang magaganap sa Child Haus, Project 8, Quezon City. Ang Child Haus ay nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga bata na mula pa sa malalayong probinsya na pumunta sa Maynila upang magpagamot.

Hangarin ng proyektong ito na mapa-ngiti ang mga batang may dinadalang karamdaman. Hindi lamang isangminuto, kundi limang oras o higit pa.

Ang proyektong ito ay magsisimula ng alas-syete ng umaga upang mabigyan ng masustansyang almusal ang mga bata kasama na rin ang mga tagapag-alaga nito. Kasunod nito ang pagbibigay kaalaman sa mga bata sa pamamagitan ng Story Telling, pagkanta, mga larong pambata at ilan pang aktibidad na maaaring makapagpangiti sa kanila.

Isang masustansyang pagkain din ang maghihintay sa mga bata pagdating ng tanghalian. At upang mas lalo pang mapasaya ang mga bata, isang gift giving din ang pinaplano ng bumubuo ng Proyektong ito.

Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang mga taong sumusuporta sa adhikain ng Isang Minutong SMILE. Kaya, muli, hinihingi namin ang inyong suporta at dalangin na sana tulad ng mga nakaraang Project SMILE, makapag-iwan tayo ng malakeng ngiti sa mga batang nangangailangan.

Bukod sa pagkain na maihahandog ng proyektong ito sa mga bata, ang mga sumusunod ay ilan din sa mga pangangailangan nila;

- Medicine
- Medical supplies
- Toiletries
- Food (milk, rice, etc)
- Others (toys, books, pillows, etc)

At para sa karagdagang impormasyon kung paano makakatulong sa proyektong ito, maaari nyo po kaming i-email dito Click Here to Contact Us

For Project SMILE Pictures, please click here and here

Pasyente : magkano ang facelift doc??
Doctora : complete treatment P145,000
Pasyente : mahal naman !!! Ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata???
Doktora : eto tsupon, P20 lng!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya!

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home…)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro:dioniSHA …pare…..dioniSHA

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nasa Jeep at bigla sumakit tiyan at utot na utot na at dahil si mamang driver ang lakas ng sound..

Umutot na lng siya every beat ng kanta sinasabayan ng utot niya :))

Pag baba niya namangha siya bakit lahat ng pasahero nakatingin sa kanya..

At doon lng niya naalala na naka headseat pala siya

 

Nahuli in teacher si Dingdong na nangongopya:

Teacher: Ganyan ka na ba talaga ka-bobo ha Dingdong?!
Dingdong: Ma’am! Seeking help is not a sign of ignorance.
It is an intellectual act that allows people to admit that some situations are not
meant to be handled alone.
Teacher: (natulala!!!)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GIRL : Kapag iniwan ba kita iiyak ka??!
BOY : Siyempre naman mapipigilan ko ba ang…

TEARS of JOY?!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A couple at the wishing well…
Husband leans over, made a wish and a throws coin.
Wife made a wish, but leans too much, falls in and drowns.

Husband: “Hala! bilis naman!”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pedro: Pare, nanaginip ako kanina!
Juan: Ano?!
Pedro: Naglalaro daw tayo ng basketball tapos natumba ako, tapos pagsalo mo sa akin, nagkalapit ang mga labi natin, tapos…
Juan: Stop!
Pedro: Bakit?!
Juan: Kasi kinikilig ako!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa party, nilapitan ng isang guwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi:

Lalaki : Sasayaw ka ba ?

*tuwang tuwa ang babae at tumayo..

Babae : Oo, sasayaw ako!

Lalaki : Hay salamat! Paupo ako ha?!

At ang pinakahihintay ng lahat!

Ang mga nanalo sa munting contest ng Isang Minutong SMILE

Andito na!!!

1st Prize – 1yr Web Hosting plus 1yr Free Domain Name

Ngiting Kontra Buhawi – Zyra

2nd Prize – 1yr Domain Name

Ngiti ng Pag-Asa – topexpress

2 SMILE Shirt

Oras na!!! – Midnight Driver

Mahika sayong Ngiti – iya-khin

Para sa 1st at 2nd winner, email ko po kayo kung paano nyo makukuha ang prize. At para naman sa nanalo ng SMILE Shirt, mamili po kayo ng size nyo dito. Tapos email nyo ako sa lordcm18 at gmail dot com kasama ang detalye ng tatanggap ng shirt sa Pinas.

Receiver’s Full Name : Juan Dela Cruz

Address : Sa gilid ng Tulay St. Philippines

Contact Number : 09192222210

Shirt Size : Small

Muli, Maraming salamat sa lahat.

Patuloy po tayong magbigay NGITI sa mas nakakarami!

Narito na po ang lahat ng kalahok para sa SMILE Quotes Contest. Maaari kayong mamili ng isa hanggang sampung quotes na gusto nyo mula October 13 hanggang October 19 ng hatinggabi. Kasabay nito ang paghuhusga ng tatlong hurado mula sa ibang bansa, Oo, German ang mga hurado…Kaya goodluck sa TAGALOG Quotes nyo! lolzz, biro lang po. OFW po sila.

Sa pamamagitan ng mga kriterya na nasa baba, malalaman po namin kung sino ang mananalo at sa darating na October 22 namin ipagsisigawan kung sino-sino ang mga nanalo.

Kriterya sa paghuhusga:

Originality(20%) – Hindi kinopya o kinuha kung saan ang quotes, dapat ito ay sariling gawa

Substance(40%) – Ang mensahe ng quote at kung napa-smile nyo nga ba ang mga hurado

Vote(40%) – Resulta ng botohan

 

Goodluck at Vote Wisely! :-)

1. Ngiti ko para sayo

Kung wala kang baong ngiti, hayaan mo’t ibabahagi ko ang ngiti ko sayo para gumanda ang araw mo

2. Ngiti ng Pag-asa

Hindi sa mga ngiping mapuputi nanggagaling ang GANDA ng isang NGITI,Ito ay sa SINSERIDAD ng taong sa atin ay BUMABATI.

3. Isang Munting Ngiti

Ngumiti ka at huwag kang magsawa,yung tipong SMILE na nakakahawa; yung ngiting nagbibigay ginhawa,kahit isa lang basta’t basta’t galing sa puso,Kasi ikaw ang una kong SMILE

4. Ngitian Mo Ako

Libre lang ang pag ngiti kaya huwag mo ito ipagdamot sa mga taong gustong maging bahagi ng iyong buhay

5. BUNGI

Pagod ko’y napapawi sa ngiti ng bunso kung bungi

6. Nakapagpapawi

Simpleng ngiti nakapagpapawi sa pusong sawi

7. WALANG PUSONG BATO KAPAG NASILAYAN ANG NGITI MULA SA LABI MO

Sabi nila, ako raw ay siraulo. Taglay ko raw ang pusong bato.Subalit ako’y naging maamo, Nang masilayan ang ngiti mula sa labi mo

8. Simpleng Ngiti

Nung una kung masilayan ang pag NGITI mo,kinumpleto mo kung ano man ang kulang sa pagkatao ko

9. Ngiti Energy Booster!

Ang iyong ngiti ay sapat na para maramdaman kong kaya ko ang lahat dahil may isang tulad mo na handang maniwala sa akin

10. Smile Na!

Sabi nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya. Tama ba? Ewan ko.. siguro nga.Pero eto lang kasi, sa aking pagkakaintindi,Gumaganda’t gumagwapo ang lahat ng nakangiti. Uuy…. Ngingiti na sya

11. Oras Na!

Ang isang minutong pag-ngiti ng mga labi mo ay katumbas ng animnapung segundong pagtibok ng puso ko

12. Mabighaning Ngiti

Kung hindi mo man ako kayang mahalin,Ayos lang! Hwag mo lang kalimutang isipin, Na ako’y andirito handang magbigay ng NGITI, Para lamang ika’y mabighaning muli

13. Ngiti

Aanhin ko ang yaman at ang kakisigan.Kung hindi ko naman masisilayan.Ang magandang NGITI.Na magmumula sa iyong mga labi

14. Oh, Kay Sarap Mabuhay!

O, kay sarap mabuhay kung ika’y walang problema. At kung sakali mang may dinaramdam ka, ngumiti ka lang dahil ang taong pala-smile problema’y nalalampasan

15. Ngiting Kontra Buhawi

Hirap man ng buhay ay parang isang buhawi, makararaos din basta may ngiti sa ating mga labi

16. Ngiti Mula sa Puso

Aminado akong di ko kayang baguhin ang mundo pero sa ibabahagi kong simpleng ngiti mula sa aking puso, sana makatulong kahit papaano

17. Smile Virus

Libre lang naman, anung dahilan bakit hindi ka ngingiti? Smile na! Sa iyong simpleng smile na nakakahawa, madami kang mapapasaya.

18. Ngiti mo ay Ligaya

Ngiti mo ay ligaya para kay Ina,O! anak na aking sinta.Pagod ay napapawi pagmamahal ay sumisidhi!

19. Ngiti Mula sa Isang Bungi

Magbibigay ako ng ngiti, kahit ako ay bungi,Ipagmamalaki ang lahi at hindi mangingimi;Pasasayahin si Totoy at maging si Nene,Tuturuang sumaya kahit may kirot sa labi.

20. Sulyap Ngiti

Sulyap tanaw lang ang kaya kong gawin.Di makalapit ang gaya kong mahiyain. Ngunit di alintana, malayo man ang iyong tingin,Isang ngiti mo lang, sapat na upang kita’y mahalin

21. Mahika sayong Ngiti

Isang ngiting kahalintulad ng nahihimbing sanggol, isang mahikang sayo’y ipupukol, walang katumbas na kabayaran ang ligayang sayo’y ihahatol

22. 1, 2, 3, SMILE!!!

Mahirap ka man o mayaman, may kapangyarihan kang magpasaya ng tao na hindi gagastos, 1, 2, 3 SMILE!!

23. Kakaibang Ngiti

Sa bawat gala, sa bawat lakwatsa, sa bawat lamyerda, bastat’t kasama ka, Kakaibang ngiti at ligayang nadarama!

24. Ngiti Sa Mga Labi

Ang ngiti sa mga labi,Nagpapaganda, nagpapapogi; Nagpapalinaw ng pananaw, Kahit problema’y umaapaw. Nagbibigay ng ligaya, Sa mga taong walang saya; Ito naman ay libre, Kaya’t ipamahagi ng sige-sige.

25. Isang Ngiti Mo Lang

Kung kaya ng iba kaya ko at kaya nating lahat maging liwanag sa madilim na landas ng buhay. Isang ngiti mo lang libre lang yan itudo mo

26. Libreng Ngiti

Kahit sa gitna ng kahirapan,ika’y makapagbibigay ng kasiyahan, hindi kelangan ng oras o salapi para sa isang minuto mong ngiti

27. Ngiti ng Pag-asa

Sa panahon ng kalungkutan o ng kapighatian, Ang isang matamis na ngiti ay sapat na para makapagbigay sigla at pagasa sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga.

28. Tanggal Stress na Ngiti

Siksikan man at tulo ang pawis Dito sa MRT na minsa’y nakakabwisit Isang ngiti mo lang huhupa na ang inis. Sa aking pagbaba, pakiramdam ko’y nasa langit

29. Maraming dahilan para ngumiti, Isa na run ay Ikaw

Kahit anong pagmamatigas ko,isang ngiti mo lang nanlalambot na ako

30. Kaibigan, Usap Tayo

Paano gaganahan na tumabi ang swerte sayo, kung lagi kang nakasinghal sa mundo. Huwag mo kasing ipagkait ang ngiti mo, kahit man lang sana sa sarili mo

31. Kahit Bungi

Kahit bungi o bungal, maputi o madilaw,Ngiti lang kaibigan, kahit isang minuto lang

32. Matamis na Ngiti

Kapag sa isipan ikaw ay sumagi,hatid ay walang singtamis na NGITI kahit nagdadalamhati.

33. Your Smile Makes Me Remember Everything

Ang matamis mong ngiti na abot tenga at puno ng pag-asa, Ang nagpabalik ng aking mga alaala no’ng ako’y nagkaamnesya

34. ssdd.3

Walang bayad ang ngiti kaya huwag itong ipagkait sa sarili. Huwag ipagdamot ang ngiti sa iba dahil hatid nito’y saya’t pag-asa.

 

 


SMILE Quotes Contest is Sponsored by

Field of Dreams

Alohagems on Squidoo

ISP101

from the dungeOn.

Taxi

A NUN rides a taxi.
TAXI DRIVER:
Sister it s always my dream 2 kiss a NUN.
Can u grant my wish?
NUN: ok but 1st u shud b catholic & 2nd u have 2b single.
TAXI DRIVER: i am both catholic & still single.
So d Nun fulfils d taxi drver’s fantasy & kisses him.
TAXI DRIVER: thank u sister bt i must confess..i lied 2 u..i am married & i’m a muslim.
NUN: Dats ok…i’m on my way 2 a costume party & my real name s BOYET

 

Apple

American : is that an apple you are eating ?
Filipino: Yes.
American : you know, in america only poor people eat an apple.
Filipino: oh really? is that a banana you are eating ?
American: yes.
Filipino : you know, here in Philippines only Monkeys eat bananas

 

Wrong Spelling

A boy took a knife and started writing his girlfriend’s name on his arm.
Several minutes later, he started crying like crazy.
Why?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
WRONG SPELLING!!!

Nalalapit na naman ang SMILE Day kaya siguro dapat nang umpisahang magpa-SMILE kahit sa simpleng paraan. Sa ngayon Bloggers muna, at sa Pasko tutulungan naman ako ng mga Bloggers para magpa-SMILE ng mga bata.

Ayan, tama na intro! Contest na! Basahin ang mga sumusunod na kailangan gawin para makasali;

1. Kung blogger ka at may mahigit sampung blog post, pasok ka na! Kung hindi, may next year pa naman.

2. Magcompose ng Sariling SMILE Quotes na hindi lalagpas ng 30 words. Kapag lumagpas sa 30 words, hindi kasali.

3. Tagalog quote lang ang pwede. Kung may english man, ang word na SMILE lang ang maaaring gamitin.

4. Ipost mo ang iyong SMILE Quotes sa iyong blog. Ikaw na bahala sa taytol. Isang quote, isang blog

5. Kunin ang SMILE badge at idisplay sa bandang taas ng SMILE Quote, wag mong kalimutang i-link sa http://www.isangminutongsmile.com ang badge.

6. Sa baba ng SMILE Quote, pasalamatan natin ang mga sponsor ng pa-contest na ito. Dahil sila ang dahilan kung bakit may ilang bloggers na mapapa-SMILE pagkatapos ng contest na ito.

Parang ganito;

Isang MInutong SMILE Logo

Minsan,

ang simpleng paglipad

ng Saranggola sa kalawakan

ang siyang nagbibigay Ngiti sa mga Bata

Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest : Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeOn.

Meron pa!

7. Mag comment ka dito, kasama ng link ng entry mo. Balik-balik ka lang dito para icheck yung lisatahan sa baba kung nakasama ba ang entry mo sa mga contestant. Kung tatlong araw at wala ka pa rin sa listahan, malamang nakaligtaan kita o kaya nama’y hindi valid ang entry mo, comment ka agad dito para kontakin kita.

8. Tatanggap ang Isang Minutong SMILE ng entries simula ngayon hanggang October 12, 2011 ng alas sais.

9. Oct. 13 – Oct 19 eere ang isang blog post na naglalaman ng lahat ng nominado, kasama nito ang  Poll Widget kung saan ang lahat ay maaaring bumoto ng paborito nilang quotes.

10. Kasabay ng botohan na mangyayari, tatlong hurado mula pa sa iba’t ibang bansa ang huhusga ng inyong mga SMILE Quotes.

At kung paano namin malalaman kung sino ang mananalo, ganito; 40% ang kukunin sa Resulta ng Poll, 60% naman mula sa mga hurado(Originality-20%, Substance-40%).

11. October 22 ia-announce ang winners.

12. Di naman kita pinipilit, di naman requirements to para makasali sa contest, pero kung gusto mo lang naman, register ka na rin dito para makatanggap ka ng updates mula sa Isang Minutong SMILE. Register Here.

Prizes? Wala! lolzz

Meron syempre, mawawala ba naman yun.

1st Prize – 1yr Web Hosting with FREE Domain

2nd Prize – 1yr Domain Name

2 Consolation Prize – SMILE Shirt (sa pinas lang po pwede ipadala)

Oh ayan! Ano pa hinihintay mo? Gawa na ng sarili mong SMILE Quotes!


SMILE Quotes Contest is Sponsored by

Field of Dreams

Alohagems on Squidoo

 ISP101 

from the dungeOn.


Ang mga sumali;

1. Ngiti ko para sayo

2. Ngiti ng Pag-asa

3. Isang Munting Ngiti

4. Ngitian Mo Ako

5. BUNGI

6. Nakapagpapawi

7. WALANG PUSONG BATO KAPAG NASILAYAN ANG NGITI MULA SA LABI MO

8. Simpleng Ngiti

9. Ngiti Energy Booster!

10. Smile Na!

11. Oras Na!

12. Mabighaning Ngiti

13. Ngiti

14. Oh, Kay Sarap Mabuhay!

15. Ngiting Kontra Buhawi

16. Ngiti Mula sa Puso

17. Smile Virus

18. Ngiti mo ay Ligaya

19. Ngiti Mula sa Isang Bungi

20. Sulyap Ngiti

21. Mahika sayong Ngiti

22. 1, 2, 3, SMILE!!!

23. Kakaibang Ngiti

24. Ngiti Sa Mga Labi

25. Isang Ngiti Mo Lang

26. Libreng Ngiti

27. Ngiti ng Pag-asa

28. Tanggal Strees na Ngiti

29. Maraming dahilan para ngumiti, Isa na run ay Ikaw

30. Kaibigan, Usap Tayo

31. Kahit Bungi

32. Matamis na Ngiti

33. Your Smile Makes Me Remember Everything

34. ssdd.3

Paalala, Maaari nyo pong icheck kung nasa listahan kayo at kung tama ang link at kung may kailangan baguhin, narito lamang po ako. Bago ilabas ang Poll Widget sa October 13, ang lahat ng kalahok ay bibisitahin ng admin upang siguruhing valid pa rin ang kanilang entry.

Kanina lang nakausap ko si Bernard ng Saranggola Blog Awards. Isa itong patimpalak para sa mga Filipino Bloggers na mahilig magsulat ng Tula, maikling kwento at kwentong pambata. At tulad ng Isang Minutong SMILE, layunin din nilang makapagbigay saya sa mga bata.

At upang mas maging matagumpay ang layunin ng Saranggola Blog Awards at ng Project SMILE, ngayon taon ay magsasama ang dalawa upang pagtulungan na pasiyahin ang mga batang minsan nang pinagkaitan ng ngiti sa kanilang mga labi.

Sa tulong ng ilang Pinoy Bloggers at iba pang volunteers, muli, sana’y makapagbigay ang Project SMILE kasama ang Saranggola Blog Awards ng ngiti nitong darating na Kapaskuhan.

Minsan, ang simpleng paglipad ng Saranggola sa kalawakan ang siyang nagbibigay Ngiti sa mga bata. Kaya samahan nyo kami para kahit papaano’y unti-unti nating mapangiti ang mundo…

 

 

Smile, because although you may be having a bad day, you have food, clean water, clothes, a home and your health. You are blessed.

 

Paano ba naman may dalawang OFW Bloggers ang nangakong tutulong pinansyal sa Project SMILE 2011, tapos may tatlong Pinoy Bloggers gustong maging volunteer kung sakaling matuloy ang Project SMILE nitong December 2011.

Eto pa, may new domain na ang Isang Minutong SMILE galing kay Alohagems. Mula sa Tambayan nag-offer syang sagutin ang isang taon na bayad para sa bagong domain name ng Isang Minutong SMILE, ako naman sobrang excited at nagregister agad online ng new domain, tapos inform ko lang si Alohagems na ang kulang na lang ay payment, ayun! wlang isang oras mula nung nag offer sya hanggang sa mabayaran yung domain eh ok na lahat! May new domain na ang Isang Minutons SMILE…Pero di ko pa maasikaso ngayon ang paglipat dahil may survey pa para sa Project SMILE 2011.

Kaya ikaw, kung gusto mo makapagpangiti kahit isang minuto lang, punta ka dito…Dahil ako, Isang buong araw nang naka-SMILE…