Nitong nakaraang taon, isang karanasan ang di malilimutan ng lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang TKJ Project SMILE. Mahigit limang oras na ngiti para sa mga batang may karamdaman at taga-bantay nito, at habambuhay na ngiti para sa lahat ng volunteers sa tuwing maaalala nila ang bawat minutong naruon sila sa Child Hauz.

tkj-project-smile-2012

Muli, isang proyekto na naman ang pipiliting maisakatuparan ng bumubuo ng Isang Minutong SMILE nitong darating na Marso 23 sa kasalukuyang taon. Ang Project SMILE : Alay Pag-Asa.

Ang proyektong ito ay may layuning magbigay ngiti sa 40 kids ng Alay Pag-Asa Christian Foundation sa pamamagitan ng pagbibigay regalo at pagpapakain ng masustansyang pagkain. Hangad din nito na makapagbigay ng mga gamit pang eskwela para sa kanilang pag-aaral.

Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang mga volunteers at mga taong walang sawang nagbibigay tulong sa proyektong tulad nito. Muli naming kinakalabit ang inyong puso, nawa’y muling maramdaman ng mga bata ang ngiting inyong ibabahagi.

Bukod sa pagkain na maihahandog ng proyektong ito sa mga bata, ang mga sumusunod ay ilan din sa mga hinihiling nilang matanggap mula sa atin;

- Toys

- Books

- School Supplies ( Pencil, Paper, Eraser, etc..)

At para sa karagdagang inpormasyon tungkol sa proyektong ito at kung paano maipapaabot ang tulong sa amin, gamitin lamang ang form sa baba.

 

Sa sabado na ang TKJ Project SMILE 2012, Excited lang kahit hindi ako makakasama. Ang mahalaga may mga bata na naman na mabibigyan ng NGITI ang Isang Minutong SMILE. Ang tutuo hindi lang Isang Minuto ang ibabahagi ng proyekto ngayon, mahigit sa limang oras na pagpapasaya sa mga batang may karamdaman, ito ay sa tulong ng mga sponsor at volunteers ng proyekto.

At para bigyan kayo ng ideya kung ano ang mangyayari sa sabado, hayaan nyong ipasilip namin sa inyo kung ano ang napagkasunduan ng mga volunteers;

TKJ Project SMILE 2012 Programme
Time To Do Music
7:00-7:30AM Breakfast –  Lugaw with Egg + Puto
8:00AM Opening Prayer
Exercise We Found Love
Game 1: YIPI Game Mix
Game 2: Caterpillar Walk Mix
8:45AM Story Telling:Ang Mahiwagang Kamiseta
9:00AM How to Brush your Teeth
Smile Song Ngumit Tumawa Magsaya Kumanta
Product Demo + Gift Giving Mix
10:00AM Game 3: Tanging Hinga Mo Mix
Game 4 : Trip to Jerusalem Mix
Game 5 : Stop Dance Mix
Game 6 : TextTwist Mix
11:00AM Lunch-Rice/Crispy Chicken Fillet/Spaghetti/Buttered Vegetable
12:00Noon Messages/Distribution of Gifts
12:30PM Closing Prayer

 

Isa sa hangarin ng The KaBlogs Journal ang makatulong at makapagbigay kaalaman sa ating mga Kababayan sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga di matatawarang istorya ng bawat OFW na nasa iba’t ibang sulok ng mundo. Mga tula, kwento, at larawan na nagbibigay ngiti at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mambabasa ng The KaBlogs Journal.

Saranggola Smile Day PictureAt upang mas mapalawak pa ang nabibigyang saya at inspirasyon ng The KaBlogs Journal, Kasama ang Isang Minutong SMILE, nabuo ang TKJ Project SMILE 2012 upang muli ay makapagbigay ngiti sa mas nangangailangan.

Sa tulong ng The KaBlogs Journal, ilang Pinoy Bloggers at mga volunteers, Nitong darating na Hulyo 28,isang Project SMILE ang magaganap sa Child Haus, Project 8, Quezon City. Ang Child Haus ay nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga bata na mula pa sa malalayong probinsya na pumunta sa Maynila upang magpagamot.

Hangarin ng proyektong ito na mapa-ngiti ang mga batang may dinadalang karamdaman. Hindi lamang isangminuto, kundi limang oras o higit pa.

Ang proyektong ito ay magsisimula ng alas-syete ng umaga upang mabigyan ng masustansyang almusal ang mga bata kasama na rin ang mga tagapag-alaga nito. Kasunod nito ang pagbibigay kaalaman sa mga bata sa pamamagitan ng Story Telling, pagkanta, mga larong pambata at ilan pang aktibidad na maaaring makapagpangiti sa kanila.

Isang masustansyang pagkain din ang maghihintay sa mga bata pagdating ng tanghalian. At upang mas lalo pang mapasaya ang mga bata, isang gift giving din ang pinaplano ng bumubuo ng Proyektong ito.

Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang mga taong sumusuporta sa adhikain ng Isang Minutong SMILE. Kaya, muli, hinihingi namin ang inyong suporta at dalangin na sana tulad ng mga nakaraang Project SMILE, makapag-iwan tayo ng malakeng ngiti sa mga batang nangangailangan.

Bukod sa pagkain na maihahandog ng proyektong ito sa mga bata, ang mga sumusunod ay ilan din sa mga pangangailangan nila;

- Medicine
- Medical supplies
- Toiletries
- Food (milk, rice, etc)
- Others (toys, books, pillows, etc)

At para sa karagdagang impormasyon kung paano makakatulong sa proyektong ito, maaari nyo po kaming i-email dito Click Here to Contact Us

For Project SMILE Pictures, please click here and here

Nellie E. Brown Elementary School

3rd Feeding Program

 


1st Day of Feeding Program

2nd Day of Feeding Program 

Nellie E. Brown Elementary School

2nd Feeding Program

 


1st Day of Feeding Program

3rd Day of Feeding Program

 

Isang Minutong Smile Day na naman. Ilang mga kabataan na naman ang masisilayan ang matatamis na ngiti sa kanilang mga labi. Noong una, binabasa ko lamang sa blogsite ng aking kaibigan ang tungkol sa proyektong ito. Nakakagaan ng damdamin ang malaman na may ibang mga tao na nagmamalasakit at tumutulong sa mga kabataang kapuspalad. Matagal ko na ding gustong maging bahagi ng ganitong gawain, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. Kaya ayun, nagkakasya na lang ako sa pagbabasa at naghihintay ng pagkakataong makatulong din sa iba.

At ito na nga, sa ilang pag uusap naming ng mismong author at founder ng Isang Minutong Smile, ay nabigyan ako ng pagkakataong gawin ang matagal ko ng inaasam, ang maghatid ng ngiti sa mga taong tila ba nalimutan na ng tadhana. Noong una ay inisip ko lamang na magbigay ng kaunting halaga na manggagaling sa aking sariling bulsa. Pero ng lumaon ay napagpasyahan kong palawakin pa ang kampanya, para na din sa ilang mga kababayang nais ding ibahagi ang mga pagpapalang natatanggap nila.

Sa pamamagitan ng grupong Fil Mo DHA, na binuo ko sa Facebook, natipon ko pa ang iba’t ibang grupo na handang tumulong sa kanilang kapwa. Ilan sa mga sumuporta sa proyekto ni LordCM ay ang Jerusalem Filipino Community, ilang miyembro ng CFC Tel Aviv, at FOWWA Haifa, ganun din ang ilang malalapit na kaibigan na hindi nagdalawang isip ng ako ay lumapit sa kanila. Sa sama sama naming pagbabahagi  ng aming sarili, nakalikom kami ng sapat na halaga upang mairaos ang Feeding Program sa mismong anibersaryo ng Isang Minutong Smile. Haaaaayyyy..kay sarap ng pakiramdam ng minsan, malaman mong ikaw ang naging dahilan ng pag ngiti ng mga batang ito.

Sa aking isip ay naglalaro ang imahe ng mga batang masaya habang nagsasalu salo sa simple ngunit sapat na pagkain na inilaan para sa kanila. Mga ngiti na nagsasaad ng pag asa, na sa kabila ng kanilang kalagayan, ay may iba pang taong sa kanila ay kakalinga. Mga ngiti na nagbibigay ng pansamantalang ligaya, sa aba nilang katayuan sa buhay. Habang naiisip ko sila, hindi ko mapigilan na mapaluha sa awa, subalit ito pa lamang ang aking magagawa. Pansamatalang lunas sa kanilang kahirapan. Alam kong darating ang araw at dadami pa ang mga taong susuporta at tutulong sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makaahon sa kahirapan.

From : Admin of Fil Mo DHA Group

 


Naganap ang Feeding Program sa mismong araw kung kailan ipinagdiriwang ang SMILE Day, December 8, 2011, sa isang school kung saan ako, ang aking mga kapatid at ang dalawa kong anak ay nag-aral ng elementarya, sa Nellie E. Brown Elementary School, West Bajac-Bajac Olongapo City.

Sa tulong ng Fil Mo DHA o Filipino Modern Day Heroes Association, at sa pagbibigay oportunidad ni Kagawad Melissa Carabeo ng Baranggay West Bajac-Bajac na makatulong ang Isang Minutong SMILE sa proyektong ito, naging matagumpay ang unang Feeding Program sa school kung saan ako at ang aking mga mahal sa buhay ay nag-aral.

Kaya sa inyo, Maraming-maraming salamat sa walang sawang pagtulong upang kahit papaano’y makapagpangiti tayo ng mga bata nitong darating na Kapaskuhan…

Ang susunod na Feeding Program, ay magaganap nitong darating na December 12 at 14 sa kaparehas na eskwelahan, ito ay upang magkaruon ng resulta ang pagpapakain at pagbibigay ng bitamina sa mga bata na mas nangangailangan…

Muli Maraming Salamat sa Inyo…

At para sa mga gustong maghatid ng tulong upang ang Isang Minutong SMILE ay maging Isang Oras o sana Isang Taong  SMILE, naririto lang po kami naghihintay sa inyo. Click mo lang to…


2nd Day of Feeding Program

3rd Day of Feeding Program

Eksena ng mag-inang OFW habang nasa harap ng hapag kainan at naghahapunan;

Inay : Anak, kumain ng kumain ah para malakas at malusog

sabay lagay ng gulay sa plato ng anak

Anak : Nay, naman…tama na po, ayaw ko ng gulay eh

Inay : Anak, ubusin mo yan, ang daming nagugutom sa Pinas, pasalamat ka na lang at may kinakain pa tayo.

Anak : pag po ba inubos ko to, Nay, hindi na po sila magugutom?

Tumayo si Inay papalayo sa hapag kainan…

Oo nga naman diba? Hahaha, wala na nga bang magugutom na mga bata kung sakaling ubusin nya ung pagkaing nakahatag sa kanyang harapan?…Siguro nga hindi, pero tulad ng sabi ni Inay, maraming nagugutom na mga bata sa Pinas na halos mamatay na ng dahil sa gutom, pero eto tayo ang sasarap ng kinakain at kung minsan pa itatapon na lang kung hindi natin ito magustuhan. Samantalang ang iba, pinupulot pa yung mga itinapon natin masayaran lamang ng kahit kaunting mantika ang kanilang mga tyan.

Isa sa adhikain ng Project SMILE ang magpangiti ng mga bata tuwing darating ang kapaskuhan. At sa tulong ng mga mababait na Sponsor, malamang hindi lang tuwing araw ng Pasko ito mangyayari. Kahit hindi Pasko, pipilitin po ng Project SMILE na makapagbigay ngiti sa mga bata kahit Isang Minuto lamang.

At para sa pagsisimula, isang Feeding Program ang naganap kahapon, Nov. 9, 2011 sa mismong lugar kung saan ako lumake, sa Olongapo. Lingid man sa ating kaalaman, may mga lugar sa Olongapo na masasabi nating kapos sa kahit anong bagay.

Sa tulong ni Kagawad Melissa Carabeo,   kaibigan ni misis, at ng Baranggay West Bajac-Bajac naisakatuparan ang unang Feeding Program sa isang Damsite sa Olongapo. Mayroon bilang na 25 na bata ang lugar. Isang nakakabusog na pananghalian ang inihanda para sa mga bata at kaunting bitamina.

Halika at sabayan nating ngumiti ang mga bata :-)

Tulad ng nakalagay sa title ng blogpost na ito, 1st Feeding Program…Ibig pong sabihin may 2nd at may 3rd pa sa mismong lugar, ito ay upang makita ang resulta ng pagkain at bitaminang ibinigay sa mga bata…At kung tutulungan nyo po ako sa mga susunod na Project SMILE, makakasiguro po tayong madaragdagan pa ang mga batang mapapa-SMILE ng Isang Minutong SMILE

 

Anak : Oh Nay, saan ka po galing?

Inay : Kapag inubos mo yang pagkain sa harapan mo, Anak, magpapdala ako ng donasyon sa Isang Minutong SMILE upang kahit papaano’y mabawasan ang mga batang nagugutom.

Ngiti lamang ang itinugon ng bata sa Ina at dali-daling inubos ang kanyang pagkain

 


2nd Day of Feeding Program

Narito na po ang lahat ng kalahok para sa SMILE Quotes Contest. Maaari kayong mamili ng isa hanggang sampung quotes na gusto nyo mula October 13 hanggang October 19 ng hatinggabi. Kasabay nito ang paghuhusga ng tatlong hurado mula sa ibang bansa, Oo, German ang mga hurado…Kaya goodluck sa TAGALOG Quotes nyo! lolzz, biro lang po. OFW po sila.

Sa pamamagitan ng mga kriterya na nasa baba, malalaman po namin kung sino ang mananalo at sa darating na October 22 namin ipagsisigawan kung sino-sino ang mga nanalo.

Kriterya sa paghuhusga:

Originality(20%) – Hindi kinopya o kinuha kung saan ang quotes, dapat ito ay sariling gawa

Substance(40%) – Ang mensahe ng quote at kung napa-smile nyo nga ba ang mga hurado

Vote(40%) – Resulta ng botohan

 

Goodluck at Vote Wisely! :-)

1. Ngiti ko para sayo

Kung wala kang baong ngiti, hayaan mo’t ibabahagi ko ang ngiti ko sayo para gumanda ang araw mo

2. Ngiti ng Pag-asa

Hindi sa mga ngiping mapuputi nanggagaling ang GANDA ng isang NGITI,Ito ay sa SINSERIDAD ng taong sa atin ay BUMABATI.

3. Isang Munting Ngiti

Ngumiti ka at huwag kang magsawa,yung tipong SMILE na nakakahawa; yung ngiting nagbibigay ginhawa,kahit isa lang basta’t basta’t galing sa puso,Kasi ikaw ang una kong SMILE

4. Ngitian Mo Ako

Libre lang ang pag ngiti kaya huwag mo ito ipagdamot sa mga taong gustong maging bahagi ng iyong buhay

5. BUNGI

Pagod ko’y napapawi sa ngiti ng bunso kung bungi

6. Nakapagpapawi

Simpleng ngiti nakapagpapawi sa pusong sawi

7. WALANG PUSONG BATO KAPAG NASILAYAN ANG NGITI MULA SA LABI MO

Sabi nila, ako raw ay siraulo. Taglay ko raw ang pusong bato.Subalit ako’y naging maamo, Nang masilayan ang ngiti mula sa labi mo

8. Simpleng Ngiti

Nung una kung masilayan ang pag NGITI mo,kinumpleto mo kung ano man ang kulang sa pagkatao ko

9. Ngiti Energy Booster!

Ang iyong ngiti ay sapat na para maramdaman kong kaya ko ang lahat dahil may isang tulad mo na handang maniwala sa akin

10. Smile Na!

Sabi nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya. Tama ba? Ewan ko.. siguro nga.Pero eto lang kasi, sa aking pagkakaintindi,Gumaganda’t gumagwapo ang lahat ng nakangiti. Uuy…. Ngingiti na sya

11. Oras Na!

Ang isang minutong pag-ngiti ng mga labi mo ay katumbas ng animnapung segundong pagtibok ng puso ko

12. Mabighaning Ngiti

Kung hindi mo man ako kayang mahalin,Ayos lang! Hwag mo lang kalimutang isipin, Na ako’y andirito handang magbigay ng NGITI, Para lamang ika’y mabighaning muli

13. Ngiti

Aanhin ko ang yaman at ang kakisigan.Kung hindi ko naman masisilayan.Ang magandang NGITI.Na magmumula sa iyong mga labi

14. Oh, Kay Sarap Mabuhay!

O, kay sarap mabuhay kung ika’y walang problema. At kung sakali mang may dinaramdam ka, ngumiti ka lang dahil ang taong pala-smile problema’y nalalampasan

15. Ngiting Kontra Buhawi

Hirap man ng buhay ay parang isang buhawi, makararaos din basta may ngiti sa ating mga labi

16. Ngiti Mula sa Puso

Aminado akong di ko kayang baguhin ang mundo pero sa ibabahagi kong simpleng ngiti mula sa aking puso, sana makatulong kahit papaano

17. Smile Virus

Libre lang naman, anung dahilan bakit hindi ka ngingiti? Smile na! Sa iyong simpleng smile na nakakahawa, madami kang mapapasaya.

18. Ngiti mo ay Ligaya

Ngiti mo ay ligaya para kay Ina,O! anak na aking sinta.Pagod ay napapawi pagmamahal ay sumisidhi!

19. Ngiti Mula sa Isang Bungi

Magbibigay ako ng ngiti, kahit ako ay bungi,Ipagmamalaki ang lahi at hindi mangingimi;Pasasayahin si Totoy at maging si Nene,Tuturuang sumaya kahit may kirot sa labi.

20. Sulyap Ngiti

Sulyap tanaw lang ang kaya kong gawin.Di makalapit ang gaya kong mahiyain. Ngunit di alintana, malayo man ang iyong tingin,Isang ngiti mo lang, sapat na upang kita’y mahalin

21. Mahika sayong Ngiti

Isang ngiting kahalintulad ng nahihimbing sanggol, isang mahikang sayo’y ipupukol, walang katumbas na kabayaran ang ligayang sayo’y ihahatol

22. 1, 2, 3, SMILE!!!

Mahirap ka man o mayaman, may kapangyarihan kang magpasaya ng tao na hindi gagastos, 1, 2, 3 SMILE!!

23. Kakaibang Ngiti

Sa bawat gala, sa bawat lakwatsa, sa bawat lamyerda, bastat’t kasama ka, Kakaibang ngiti at ligayang nadarama!

24. Ngiti Sa Mga Labi

Ang ngiti sa mga labi,Nagpapaganda, nagpapapogi; Nagpapalinaw ng pananaw, Kahit problema’y umaapaw. Nagbibigay ng ligaya, Sa mga taong walang saya; Ito naman ay libre, Kaya’t ipamahagi ng sige-sige.

25. Isang Ngiti Mo Lang

Kung kaya ng iba kaya ko at kaya nating lahat maging liwanag sa madilim na landas ng buhay. Isang ngiti mo lang libre lang yan itudo mo

26. Libreng Ngiti

Kahit sa gitna ng kahirapan,ika’y makapagbibigay ng kasiyahan, hindi kelangan ng oras o salapi para sa isang minuto mong ngiti

27. Ngiti ng Pag-asa

Sa panahon ng kalungkutan o ng kapighatian, Ang isang matamis na ngiti ay sapat na para makapagbigay sigla at pagasa sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga.

28. Tanggal Stress na Ngiti

Siksikan man at tulo ang pawis Dito sa MRT na minsa’y nakakabwisit Isang ngiti mo lang huhupa na ang inis. Sa aking pagbaba, pakiramdam ko’y nasa langit

29. Maraming dahilan para ngumiti, Isa na run ay Ikaw

Kahit anong pagmamatigas ko,isang ngiti mo lang nanlalambot na ako

30. Kaibigan, Usap Tayo

Paano gaganahan na tumabi ang swerte sayo, kung lagi kang nakasinghal sa mundo. Huwag mo kasing ipagkait ang ngiti mo, kahit man lang sana sa sarili mo

31. Kahit Bungi

Kahit bungi o bungal, maputi o madilaw,Ngiti lang kaibigan, kahit isang minuto lang

32. Matamis na Ngiti

Kapag sa isipan ikaw ay sumagi,hatid ay walang singtamis na NGITI kahit nagdadalamhati.

33. Your Smile Makes Me Remember Everything

Ang matamis mong ngiti na abot tenga at puno ng pag-asa, Ang nagpabalik ng aking mga alaala no’ng ako’y nagkaamnesya

34. ssdd.3

Walang bayad ang ngiti kaya huwag itong ipagkait sa sarili. Huwag ipagdamot ang ngiti sa iba dahil hatid nito’y saya’t pag-asa.

 

 


SMILE Quotes Contest is Sponsored by

Field of Dreams

Alohagems on Squidoo

ISP101

from the dungeOn.

Kanina lang nakausap ko si Bernard ng Saranggola Blog Awards. Isa itong patimpalak para sa mga Filipino Bloggers na mahilig magsulat ng Tula, maikling kwento at kwentong pambata. At tulad ng Isang Minutong SMILE, layunin din nilang makapagbigay saya sa mga bata.

At upang mas maging matagumpay ang layunin ng Saranggola Blog Awards at ng Project SMILE, ngayon taon ay magsasama ang dalawa upang pagtulungan na pasiyahin ang mga batang minsan nang pinagkaitan ng ngiti sa kanilang mga labi.

Sa tulong ng ilang Pinoy Bloggers at iba pang volunteers, muli, sana’y makapagbigay ang Project SMILE kasama ang Saranggola Blog Awards ng ngiti nitong darating na Kapaskuhan.

Minsan, ang simpleng paglipad ng Saranggola sa kalawakan ang siyang nagbibigay Ngiti sa mga bata. Kaya samahan nyo kami para kahit papaano’y unti-unti nating mapangiti ang mundo…