Nitong nakaraang taon, isang karanasan ang di malilimutan ng lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang TKJ Project SMILE. Mahigit limang oras na ngiti para sa mga batang may karamdaman at taga-bantay nito, at habambuhay na ngiti para sa lahat ng volunteers sa tuwing maaalala nila ang bawat minutong naruon sila sa Child Hauz.

tkj-project-smile-2012

Muli, isang proyekto na naman ang pipiliting maisakatuparan ng bumubuo ng Isang Minutong SMILE nitong darating na Marso 23 sa kasalukuyang taon. Ang Project SMILE : Alay Pag-Asa.

Ang proyektong ito ay may layuning magbigay ngiti sa 40 kids ng Alay Pag-Asa Christian Foundation sa pamamagitan ng pagbibigay regalo at pagpapakain ng masustansyang pagkain. Hangad din nito na makapagbigay ng mga gamit pang eskwela para sa kanilang pag-aaral.

Hindi po ito magiging matagumpay kung wala ang mga volunteers at mga taong walang sawang nagbibigay tulong sa proyektong tulad nito. Muli naming kinakalabit ang inyong puso, nawa’y muling maramdaman ng mga bata ang ngiting inyong ibabahagi.

Bukod sa pagkain na maihahandog ng proyektong ito sa mga bata, ang mga sumusunod ay ilan din sa mga hinihiling nilang matanggap mula sa atin;

- Toys

- Books

- School Supplies ( Pencil, Paper, Eraser, etc..)

At para sa karagdagang inpormasyon tungkol sa proyektong ito at kung paano maipapaabot ang tulong sa amin, gamitin lamang ang form sa baba.